Manila City LGU kukuha ng 400 mananahi para ituloy ang pamamahagi ng libreng face mask

Itutuloy ng Manila City Government ang Washable Face Mask-Making na isang livelihood project ng Pamahalaang Lungsod sa pamamagitan ng Public Employment Service Office.

Ito ay matapos na matagumpay na natapos ang isang milyong face mask na libreng ipinamigay sa mga residente.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, gagawa ng dagdag na 500,000 pang face masks para maipamagay ng libre.

Dahil dito muling naghahanap ng mga mananahi para gumawa ng face masks.

Sa mga nais mag-apply bilang mananahi, mag-register sa link na ito:
https://docs.google.com/…/1FAIpQLSctF81aU1nY87…/viewform

 

 

 

 

 

Read more...