May napili nang ilang top advisers si US President-elect Joe Biden bilang paghahanda sa pag-upo niya sa pwesto sa White House.
Pinaghahandaan na ni Biden ang pag-take over sa presidency sa January 20 at nagpatawag na ito ng pulong sa kaniyang mga adviser para plantsahin ang policy plans.
Ang presidential campaign manager ni Biden na si Jen O’Malley Dillon, ang magiging deputy chief of staff.
Mapapasama din ang matatagal nang close advisers ni Bide na sina Mike Donilon at Steve Ricchetti na magsisilbing senior advisor to the president at counselor to the president.
Magsisilbi namang counsel to the president si Dana Remus.
Ang isa pang close adviser ni Biden na si Ron Klain ay pinangalanan na bilang chief of staff.
Ayon kay Biden sa mga susunod na araw ay papangalanan pa niya ang bubuo sa kaniyang staff at ang magiging Cabinet appointees.