Si Robredo ang pinag-iisipan ng pangulo na may pakana ng pagkalat ng hashtag #NasaanAngPangulo noong kasagsagan ng pagtama ng nagdaang mga bagyo.
Tinawag ng pangulo na sinungaling si Robredo dahil sa pagpapakalat na wala siya noong kasagsagan ng bagyo.
Paliwanag ng pangulo, siya ay dumalo sa virtual summit ng Association of Southeast Asian Nations at hindi totoong tulog siya habang nananalasa ang bagyo.
“Ganito ‘yan vice president makinig ka ha, kayong mga Filipino sinabi ko sa inyo, prangkahan, that i am a night person. I work on the state, government documents sa gabi,”
Sinabihan din ni Pangulong Duterte si Robredo na huwag magbigay ng utos sa militar at huwag tangkaing magpaka-bayani.
“‘Wag kang masyadong puro ka porma, hindi mo talaga panahon. Kaya ako lumipad ako sa sa Bicol, inunahan mo pa ako kunwari. But do not compete with me and do not start a quarrel with me” ayon pa sa pangulo.