Sa kaniyang televised public address, hinamon pa ng pangulo ang mga estudyante na itigil na ang pag-aaral at patuloy na lang na batikusin ang pamahalaan.
Mas mainam siguro ayon sa pangulo na bantayan na lamang ng mga estudyante ang mga paparating na bagyo at alamin kung sino ang mga nangangailangan ng tulong.
Nagbabala din ang pangulo na ihihinto ng gobyerno ang pagpondo sa University of the Philippines na aniya ay wala naang ginawa kundi ang mag-recruit ng mga komunista.
“Sige. ‘Yung eskwelahan. UP? Fine. Maghinto kayo ng aral. I will stop the funding. Wala naman ginawa itong mga ano kundi magrecruit ng mga komunista diyan.]” ayon sa pangulo.
Magugunitang noong nakaraang linggo ay inumpisahan na ang acdemic strike sa Ateneo de Manila University.
Ayon sa mga estudyante, sa panahon ng strike ay hindi sila magsusumite ng school requirements bilang pagprotesta sa hindi maayos na pagtugon ng gobyerno sa kalamidad at pandemya.