1,043 pang tradisyunal na mga jeep makabibiyahe sa 8 bagong ruta sa Metro Manila simula ngayong araw

Makabibiyahe simula ngayong araw ng Miyerkules (Nov. 18) ang mahigit sa 1,000 traditional na jeep sa binuksang dagdag na walong ruta sa Metro Manila.

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sa walong bagong ruta ay aabot sa 1,043 na traditional jeep ang maaring makabiyahe.

Alinsunod ito sa Memorandum Circular (MC) 2020-073 na ipinasa ng LTFRB noong Nov. 16.

Narito ang mga karagdagang ruta:

– T181 Evergreen Subdivision – Bagong Silang/Evergreen Subdivision – Philcoa
– T3189 MCU – Recto via F. Huetias, Oroquieta
– T3190 Pier South – Project 6 via España
– T3191 Pier South – Project 8 via Quezon Ave.
– T3192 Project 6 – T.M. Kalaw via Quezon Ave.
– T3193 Project6-Vito Cruz via Quezon Ave.
– T3194 Project 8 – Quiapo via Roosevelt Ave.
– T3195 Project 8 – T.M. Kalaw via Quezon Ave.

Maaaring bumiyahe ang mga roadworthy PUVs na may valid at existing Certificate of Public Convenience (CPC) o Application for Extension of Validity, at kinakailangang naka-rehistro sa Personal Passenger Insurance Policy ang bawat unit sa mga rutang nakapaloob sa MC.

Bilang kapalit ng Special Permit (SP), mayroong QR Code na ibibigay sa bawat operator na dapat ilagay sa short bond paper at ipaskil sa PUV.

Maaring mai-download ang QR Code mula sa official website ng LTFRB (https://ltfrb.gov.ph/).

Muling pinapaalala ng ahensya na walang ipatutupad na taas-pasahe sa mga naturang TPUJ, maliban na lang kung ipag-uutos ito ng LTFRB.

Pinapaalala rin ng LTFRB sa mga TPUJ na sundin ang mga patakaran ng ahensya.

Ang sinumang mahuli na lalabag sa mga probisyon ng MC ay papatawan ng kaukulang parusa, tulad ng pagmumulta at pagkatanggal ng kanilang ng CPC o PA.

Narito naman ang bilang ng mga ruta na binuksan sa loob at labas ng Metro Manila at bilang ng mga PUV na bumibiyahe sa mga naturang ruta simula noong ipatupad ang General Community Quarantine noong 01 Hunyo 2020:

1. TRADITIONAL PUBLIC UTILITY JEEPNEY (PUJ)
Bilang ng mga rutang binuksan: 387
Bilang ng authorized units: 35,022
2. MODERN PUBLIC UTILITY JEEPNEY (PUJ)
Bilang ng mga rutang binuksan: 48
Bilang ng authorized units: 865
3. PUBLIC UTILITY BUS (PUB)
Bilang ng authorized units: 4,499
4. POINT-TO-POINT BUS (P2P)
Bilang ng mga rutang binuksan: 34
Bilang ng authorized units: 390
5. UV EXPRESS
Bilang ng mga rutang binuksan: 118
Bilang ng authorized units: 6,755
6. TAXI
Bilang ng authorized units: 21,436
7. TRANSPORT NETWORK VEHICLES SERVICES (TNVS)
Bilang ng authorized units: 25,068
8. PROVINCIAL PUBLIC UTILITY BUS (PUB)
Bilang ng mga rutang binuksan: 27
Bilang ng authorized units: 680
9. MODERN UV Express
Bilang ng mga rutang binuksan: 2
Bilang ng authorized units: 40

 

 

 

Read more...