Northern Luzon apektado ng amihan; iba pang bahagi ng bansa apektado naman ng easterlies

Amihan pa rin o northeast monsoon ang weather system na umiiral sa Northern Luzon.

Sa nalalabi namang bahagi ng bansa ay umiiral ang easterlies.

Sa weather forecast ng PAGASA, ngayong araw, Nov. 18 ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at Cagayan Valley ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na mayroong isolated na mahihinang pag-ulan dahil sa amihan.

Sa Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng bansa, bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin din ang iiral na mayroong isolated na pag-ulan at thunderstorms.

Wala namang sama ng panahon na binabantayan ang PAGASA sa loob ng bansa.

 

 

 

 

Read more...