Dagdag na 14 Filipino abroad, nagpositibo sa COVID-19

Nasa 14 ang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang November 17, nasa 11,542 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 82 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 3,243 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Nasa apat naman ang bagong gumaling kung kaya 7,467 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Isa naman ang bagong napaulat na nasawi.

Dahil dito, 832 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,530 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 1,309 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 829 naman ang kaso sa Americas at 1,874 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...