Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 24,085 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Martes ng umaga (November 17).
Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU at district health offices.
Samantala, nasa 693 o katumbas ng tatlong porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
22,705 o 94 porsyento ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 687 o tatlong porsyento ang nasawi.
Batay pa sa datos, nasa 16,272 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.
MOST READ
LATEST STORIES