Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (November 17), umabot na sa 410,718 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 28,313 o 6.9 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 1,148 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
83.6 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.2 porsyento ang asymptomatic; 0.22 porsyento ang moderate; 2.9 porsyento ang severe habang 5.1 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 23 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 7,862 o 1.91 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 186 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 374,543 o 91.2 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.