NHA may nakahandang tulong-pinansyal sa mga nasirang pabahay dahil sa bagyo

May nakahandang tulong-pinansyal ang National Housing Authority (NHA) sa mga pabahay nito na nasira dahil sa mga nagdaang bagyo.

Sa panayam ng Radyo INQUIRER, sinabi ni NHA General Manager Marcelino Escalada Jr. na sa ilalim ng kanilang emergency assistance program, P5,000 ang tulong para sa mga pamilya na ang bahay ay partially damaged at P10,000 kung totally damaged ang bahay.

Sinabi ni Escalada na batay sa nakarating sa kaniyang impormasyon, may mga NHA sites na binaha.

Inatasan na din ni Escalada ang mga regional manager at district manager ng NHA na magsagawa ng assessment sa naging pinsala ng bagyo sa mga pabahay ng NHA.

 

 

 

 

 

Read more...