Klase sa Marikina City posibleng sa Enero na mag-resume

Posibleng sa buwan na ng Enero mag-resume ang klase sa Marikina City.

Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino Teodoro, magkakaroon din kasi ng Christmas break.

Una nang inanunsyo ni Teodoro ang suspensyon ng klase sa Marikina City hanggang December 16.

Sa ngayon ayon kay Teodoro maraming bahay pa sa lungsod ang puno ng putik.

Sa ibang mga bahay ay aabot pa aniya sa hanggang tuhod ang putik na kailangang linisin.

 

 

 

 

 

Read more...