Nasawi sa buong mundo dahil sa COVID-19 nadagdagan ng mahigit 7,000

Umabot na sa 1,331,641 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER, pinakamaraming bilang ng nasawi sa US na umabot na sa 252,623.

Umabot naman na sa mahigit 166,000 ang bilang ng mga nasawi sa Brazil.

Ang death toll sa India ay mahigit 130,000 na.

Habang ang death toll sa Mexico ay umabot na sa mahigit 98,000.

Umabot naman na sa mahigit 38.4 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa mahigit 15.5 million pa ang aktibong kaso.

Narito ang bilang ng mga nasawi sa iba’t ibang ng mga bansa:

USA – 252,623
Brazil – 166,067
India – 130,552
Mexico – 98,542
UK – 52,147
Italy – 45,733
France – 45,054
Spain – 41,253
Iran – 41,979
Argentina – 35,727

 

 

 

Read more...