Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Martes, (Nov. 17) ay 55,326,963 na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 490,000 na bagong kaso sa magdamag.
Ang Italy ay umakyat sa pang-siyam na sa mga bansa na may pinakamaraming kaso matapos na maungusan ang datos ng Colombia.
Sa magdamag kasi nakapagtala ng dagdag na 27,000 na bagong kaso ng COVID-19 sa Italy.
Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:
USA – 11,529,069
India – 8,873,994
Brazil – 5,876,740
France – 1,991,233
Russia – 1,948,603
Spain – 1,521,899
UK – 1,390,681
Argentina – 1,318,384
Italy – 1,205,881
Colombia – 1,205,217