Kaso ng COVID-19 sa India nadagdagan ng mahigit 28,000

Umabot na sa lagpas 8.8 million ang kaso ng COVID-19 sa India.

Sa magdamag ay nadagdagan pa ng mahigit 28,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa India.

Dahil dito, umabot na sa 8,873,994 ang kabuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Mahigit 8.2 million na ang gumaling sa COVID-19 sa India at mayroong mahigit 455,000 pang active cases.

Samantala, mayroong naitalang dagdag na mahigit 400 na pumanaw sa India dahil sa COVID-19.

Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 130,552 na.

 

 

 

Read more...