Apat na mga dam sa Luzon patuloy sa pagpapakawala ng tubig

Mayroon pang apat na dam sa Luzon ang patuloy sa pagpapakawala ng tubig.

Sa inilabas na update ng PAGASA Hydrology Division, ang Ipo dam ay nasa 100.53 meters ang water level ngayong Martes (Nov. 17) ng umaga.

Mayroon itong isang gate na nakabukas at nagpapakawala ng tubig.

Ang Ambuklao dam naman, ansa 751.44 meters ang water level at mayroon itong dalawang gate na nakabukas.

Dalawang gate din ang bukas sa Binga dam na nasa 574.53 meters ang antas ng tubig.

Habang isang gate na lang ang nakabukas sa Magat dam na ang water level ay nasa 192.23 meters.

 

 

 

Read more...