Antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nabawasan sa magdamag

Nabawasan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 212.74 meters alas-6:00 umaga ng Martes (November 17) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 213.86 meters.

Nabawasan din ang antas ng tubig ng Ipo dam sa 100.53 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 100.59 meters habang ang antas ng tubig ng La Mesa dam ay nadagdagan na nasa 79.41 meters ngayong umaga mas mataas sa antas nito kahapon na 79.13 meters.

Ang water level ng Binga, San Roque, Pantabangan at Caliraya dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang Ambuklao at Magat dams.

Samantala, patuloy naman sa pagpapakawala ng tubig ang Ipo, Ambuklao, Binga at Magat dams.

 

 

 

Read more...