Kaso ng COVID-19 sa US nadagdagan ng mahigit 140,000 pa

Umabot na sa lagpas 11.5 million ang kaso ng COVID-19 sa Estados Unidos.

Sa magdamag ay nadagdagan pa ng mahigit 148,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa US.

Dahil dito, umabot na sa 11,524,658 ang kabuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Mahigit 7 million na ang gumaling sa COVID-19 sa US at mayroon pa itong mahigit 4.2 million pang active cases.

Samantala, mayroong naitalang dagdag na halos 700 na pumanaw sa US dahil sa COVID-19.

Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 252,611 na.

 

 

 

Read more...