Pinakamataas na bilang ng commuters sa MRT-3 mula nang magbalik ito sa operasyon noong Hunyo, naitala kahapon

Nakapagserbisyo ng kabuuang 114,706 na pasahero ang MRT-3 kahapon, Nov. 16, 2020.

Ito na ang pinakatamaas na bilang ng mga commuter na sumakay ng tren simula nang magbalik-operasyon ang mga tren ng MRT nooong June 1, 2020.

Ayon sa DOTr MRT-3, ito ay resulta ng mas pinataas na passenger capacity, mas mabilis na pagbiyahe ng mga tren at pagkakaroon ng mataas na bilang ng mga running at operational na train sets sa linya.

Dinagdagan ang kapasidad ng mga tren sa 30% (124 na pasahero kada train car, 372 na pasahero kada train set), mula sa dating 13% (51 na pasahero kada train car, 153 na pasahero kada train set).

Mas pinabilis din ang takbo ng mga tren ng 50kph, mula sa dating 40kph, simula noong ika-2 ng Nobyembre 2020.

Dahil dito, nabawasan ang average headway o oras sa pagitan ng mga tren mula 8.5-9 na minuto sa 20 tren, pababa ng 4-5 minuto.

 

 

 

Read more...