Mahigit 3,000 pang pamilya nananatili sa mga evacuation center sa Montalban, Rizal

Mayroon pang mahigit sa 3,000 pamilya na nananatili sa labinganim na evacuation centers sa Montalban, Rizal.

Sa update mula sa Pamahalaang Bayan ng Montalban, kabuuang 3,420 pa na pamilya o katumbas ng 15,182 na katao ang kinakalinga sa mga evacuation center.

Pinakamaraming evacuees sa E. Rodriguez, Elementary School na nasa mahigit 5,400 na katao.

Kahapon ay ipinag-utos ni Montalban Mayor Tom Hernandez na alisin muna pansamantala sa mga evacuation center ang mga alagang aso.

Ito ay para mapanatiling ligtas at malinis ang mga lugar na pansamantalang tinutuluyan ng mga residenteng naapektuhan ng bagyo.

Ang mga alagang aso ay dinala muna pansamantala sa Dog Impounding Area ng bayan.

Agad din silang ibababalik sa may-ari kapag maayos na at makababalik na sila sa kanilang tahanan.

 

 

 

 

 

Read more...