Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 58,191

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Lunes (November 16, 3:00 PM) nakapagtala ng 458 na bagong kaso kaya pumalo na sa 58,191 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 15,671
Laguna – 15,780
Batangas – 10,128
Rizal – 12,037
Quezon – 4,575

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 7,559.

Nasa 49,088 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 847 na bagong recoveries.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 13,081
Laguna – 14,183
Batangas – 9,125
Rizal – 10,223
Quezon – 2,476

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 15 kaya umabot na sa 1,544 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 406
Laguna – 329
Batangas – 293
Rizal – 393
Quezon – 123

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay

 

 

 

Read more...