Itbayat, Batanes niyanig ng magnitude 3.3 at 3.5 na lindol

Dalawang beses niyanig ng lindol ang lalawigan ng Batanes.

Ayon sa Phivolcs, unang naitala ang magnitude 3.3 na pagyanig sa 129 kilometers northwest ng bayan ng Itbayat, alas-2:37 madaling araw ng Martes (November 17) at may lalim na 32 kilometers.

Magnitude 3.5 naman ang sumunod pagyanig na naitala sa 232 kilometers northwest ng bayan pa rin ng Itbayat, alas-4:14 ng madaling araw at may lalim na 9 kilometers

Tectonic ang origin ng mga pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

 

 

 

 

 

 

Read more...