Dagdag na 39 kaso ng COVID-19, napaulat sa Eastern Visayas

Nadagdagan ng 39 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Naitala ang mga bagong kaso mula sa 487 laboratory samples na sinuri ng EVRCTC at DWHVL.

Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 7:00, Lunes ng gabi (November 16), 7,918 na ang confirmed COVID-19 cases sa probinsya.

Sa nasabing bilang, 614 o 7.75 porsyento ang aktibong kaso.

70 residente naman ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.

Bunsod nito, umabot na sa 7,227 o 91.27 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.

Nasa 77 na ang mga residenteng nasawi o 0.97 porsyento bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...