Sarado pa rin ang ilang kalsada sa bansa dahil sa pananalasa ng Bagyong Ulysses, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Batay sa abiso hanggang 6:00, Lunes ng gabi (November 16), nasa 15 kalsada pa ang hindi maaaring daanan ng mga motorista.
Ito ay bunsod ng naitalang soil collapse, landslide, mudflow, debris flow, natumbang puno at baha dahil sa tuluy-tuloy na pag-ulang dala ng bagyo.
Sa 15 kalsada, nasa apat rito ang nasa Cordillera Administrative Region (CAR), tatlo sa Region 2, anim sa Region 3, isa sa CALABARZON, at isa sa Region 5.
Maliban pa dito, apat pang kalsada ang may limitadong access.
Tig-iisa sa nasabing bilang ay nasa CAR, Regions 3, 5 at 8.
MOST READ
LATEST STORIES