Ayon sa Cagayan Public Information Office, walang exposure ang sanggol sa COVID-19 positive ngunit ipinanganak na premature sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC).
Ipinanganak ang sanggol na may respiratory distress syndrome (RDS).
Ang biktima ang ikaapat na COVID-19 related death sa Tuguegarao City.
Binawian ng buhay ang sanggol sa CVMC dahil sa intractable metabolic acidosis, severe respiratory distress syndrome, nosocomial pneumonia at neonatal pneumonia bandang 5:00, Linggo ng hapon.
Sa ngayon, nasa 10 na ang COVID-19 deaths sa Cagayan province kung saan apat ang naitala sa Tuguegarao City, dalawa sa Tuao habang tig-iisa naman sa Aparri, Amulung, Enrile at Iguig.