Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Lunes ng gabi (November 16), 7,702 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
Sa nasabing bilang, 412 ang aktibo pang kaso.
27 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 7,266 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Wala namang pulis na napaulat na nasawi dahil sa COVID-19.
Bunsod nito. 24 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.
MOST READ
LATEST STORIES