83 pang COVID-19 recoveries, naitala sa Central Visayas

Nagkaroon pa ng 13 na kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Batay sa inilabas na datos ng DOH Central Visayas hanggang November 16, 23,328 na ang confirmed COVID-19 cases sa nasabing probinsya.

Sa naturang bilang, 1,057 ang aktibo pang kaso.

Umabot sa 83 ang bagong gumaling kung kaya 20,899 na ang COVID-19 recoveries.

Isa naman ang bagong napaulat na nasawi sa nasabing rehiyon.

Dahil dito, 1,372 na ang bilang ng mga pumanaw sa Central Visayas bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...