Walo pang residente sa Navotas City, tinamaan ng COVID-19

Nasa walo ang bilang ng mga nagpositibo pa sa COVID-19 sa Navotas City.

Sa huling datos hanggang 6:00, Lunes ng gabi (November 16), umakyat sa kabuuang 5,202 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 44 ang aktibong kaso o katumbas ng 0.8 porsyento.

Isa naman ang gumaling pang residente sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 5,004 na ang total recoveries o 96.2 porsyento ng kabuuang naitalang kaso sa lungsod.

Nanatili naman sa 154 ang pumanaw o 3.0 porsyento.

Read more...