Year-end bonus, cash gifts sa CIAC employees ibinigay na

Natanggap na ng 114 empleyado ng Clark International Airport Corporation (CIAC) ang kanilang year-end bonus at cash gifts.

Ayon kay CIAC President Aaron Aquino, ipinag-utos niya ang agarang papapalabas ng bonuses, katumbas ng isang buwan sahod ng kanilang mga empleyado at P5,000 cash gift.

“This is our gesture of empathy for our employees, that they’ll be able to enjoy the year-end fruits of their labor and still appreciate the spirit of the Yuletide season even during this pandemic,” aniya.

Nagbilin din siya sa kanilang mga tauhan na sumunod sa health and safety protocols sa kanilang pamimili.

Nabanggit din niya na simula sa araw ng Martes, Nobyembre 17, ang lahat ng kanilang empleado ay sasailalim sa swab test para mapigilan ang hawaan ng COVID-19 sa CIAC.

Sinabi ni Aquino na simula ito ng ‘quarterly swab test’ ng kanilang mga empleyado.

Read more...