Malawakang pagbaha sa Luzon, nais ni Sen. Revilla na maimbestigahan sa Senado

Inihain ni Senator Ramon Revilla Jr. ang isang resolusyon para maimbestigahan ng kinauukulang komite sa Senado ang ugat ng malawakang pagbaha sa Luzon.

Ayon kay Revilla. layon ng kanyang Senate Resolution no. 570 na magkaroon ng komprehensibong istratehiya para hindi na maulit ang mga pagbaha.

“Alam naman nating taon-taon darating ang mga pag-ulan. Nakita na natin kung ano nangyari. Dapat, hindi na ganito sa susunod,” aniya at dagdag pa ng senador, “we must anticipate that the dams will release water, so dapat may mga naka in-place na infrastruktura tulad ng dadaluyan ng tubig at sasalo nito, para huwag rumagasa at manalanta ng mga kabahayan.”

Diin nito, sapat ng leksyon para sa lahat ang pinsalang idinulot ng pagbaha sa Marikina City, Isabela at Cagayan ng bagyong Ulysses.

Umabot sa higit 1.7 milyon indibiduwal saw along rehiyon sa bansa ang labis na napektuhan ng pananalasa ng nagdaang bagyo.

Read more...