Tinatayang nasa mahigit P2 bilyon ang halaga ng pinsala sa agrikultura ng Bagyong Ulysses.
Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) hanggang araw ng Lunes, November 16, umabot na sa kabuuang P2,137,474,433 ang pinsala sa agrikultura sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.
Kabilang dito ang Regions 1, 2, 3, CALABARZON, 5, Cordillera Administrative Region (CAR) at National Capital Region (NCR).
Nasa P482,854,751.28 naman ang halaga ng pinsala sa mga imprastraktura sa Region 1, MIMAROPA at 5.
Base pa sa datos, 34,178 bahay ang nasira ng bagyo kung saan 4,059 ang totally damaged habang 30,119 naman ang partially damaged sa Regions 1, 3, CALABARZON, 5 at CAR.
Samantala, 67 katao ang nasawi, 21 sugatan at 13 ang nawawala dahil sa pananalasa ng Bagyong Ulysses.