Red warning alert nakataas sa Cavite at Laguna

 

rainfall-english
Mula sa gov.ph

Itinaas ng PAGASA ang red warning alert sa probinsya ng Cavite at Laguna dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan ngayong hapon ng Miyerkules.

Inirekomenda na ang evacuation dahil sa inaasahang pagbaha sa mga mababang lugar sa nasabing mga probinsya.

Ang red rainfall alert ay itinataas kapag higit na sa 30 millimeters ang pag-ulan sa loob ng isang oras.

Samantala itinaas naman sa yellow rainfall alert sa lalawigan ng Bataan, Batangas at Metro Manila.

Asahan naman ang pabugso bugsong pag-ulan Bulacan, Rizal, Pampanga, Quezon at Tarlac na magtatagal ng dalawa hanggang tatlong oras. / Mariel Cruz

 

Read more...