Tumangging maghain ng plea ang babaeng anak ni Janet Lim Napoles na si Jeane Catherine Napoles.
Sa arraignment sa Court of Tax Appeals ngayong araw, present si Jeane Napoles at abogado nito.
Gayunman, hindi naghain ng plea si Jeane Napoles kaugnay income tax case nito o hindi raw pagbabayad ng aabot sa 17 Million Pesos na buwis.
Bago pumasok sa court room, dumating si Jeane na nakatakip ang mukha at ayaw magpakita sa media.
Matatandaang naging kontrobersyal si Jeane Napoles dahil sa kanyang marangyang pamumuhay, na kanyang pino-post sa social media.
Si Jeane ang bunsong anak ni Janet Napoles, na tinaguriang Pork Barrel Scam Queen./ Isa Avendaño-Umali
MOST READ
LATEST STORIES