Magnitude 4.4 na lindol, tumama sa Batanes

Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang Batanes, Lunes ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 110 kilometers Northwest ng Itbayat.

Naramdaman ang pagyanig bandang 3:19 ng hapon.

May lalim ang lindol na 33 kilometers at tectonic ang origin.

Sinabi ng Phivolcs na wala namang napaulat na pinsala sa Itbayat at mga karatig-bayan.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...