BREAKING: Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, halos 410,000 na

Mahigit 1,000 muli ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (November 16), umabot na sa 409,574 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 27,369 o 6.7 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 1,738 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

83.0 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.5 porsyento ang asymptomatic; 0.20 porsyento ang moderate; 3.0 porsyento ang severe habang 5.3 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa pito naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 7,839 o 1.91 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 45 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 374,366 o 91.4 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...