Ayon kay Mayor Isko, tig-P100,000 ang incentive.
Base sa Executive Order 45 na inaprubahan ng lokal na pamahalaan, dapat ay walang maitatalang bagong kaso ng COVID-19 mula December 1, 2020 hanggang January 31, 2021.
Bibigyan din aniya ng sapat na pagkilala o certification ang mga barangay.
Matatandaang kamakailan lamang, 73 na barangay ang nabigyan ng tig-P100,000 dahil sa zero COVID case sa loob ng dalawang buwan.
Ayon kay Mayor Isko, maari pa ring sumali sa round 2 ang mga nanalong barangay.
Naniniwala si Mayor Isko na ang pagbibigay ng insentibo ang pinakamabisang paraan para makaiwas ang mga residente sa COVID-19.
Ang Manila Health Department (MHD) at Manila Barangay Bureau (MBB) ang bahala na sa verification ag validation sa mga record ng barangay.