LOOK: Mga residente sa Linao East, Tuguegarao City nahatiran na ng tulong ng Coast Guard

Inabutan ng tulong ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ngayong umaga ang mga residente ng Barangay Linao East, Tuguegarao City.

Sa mga larawang ibinahagi ng Coast Guard, hanggang tuhod pa din ang tubig-baha sa lugar.

Binigyan sila ng malinis na inuming tubig at pagkain.

Sa halip na lumikas, pinili ng mga reisdente na manatili sa kanilang tahanan hanggang sa humupa ang baha.

Pero hiling nila sa pamahalaan, sana ay patuloy silang makatanggap ng pagkain at malinis na tubig para masuportahan ang pang-araw-araw nilang pangangailangan.

 

 

 

 

 

Read more...