Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, sa pamamagitan ng Face Masks Sewing Livelihood Program ng Public Employment Service Office ay nagsimula ang paggawa ng face masks noong Hunyo na ipinamahagi sa mga residente ng libre.
Ngayong nakamit na ang target na isang milyon, magdaragdag pa ayon kay Moreno ng 500,000 na face masks upang mas maraming residente ang mabigyan.
Nagpasalamat si Moreno kay PESO Director Fernan Bermejo at sa lahat ng bumubuo ng PESO Manila sa pangangasiwa sa proyekto.
Pinasalamatan din ng alkalde ang mga mananahi at master cutter na gumagawa ng mga face masks.
Gayundin si UDM President Malou Tiquia sa pagpapahiram ng classroom na pinaglalagyan ngayon ng mga makina at cutting tables.
At sa ating mga MTPB Personnel at Office of the Mayor staff na nagde-deliver ng face masks sa mga barangay.