Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Lunes, (Nov. 16) ay 54,801,700 na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 486,000 na bagong kaso sa magdamag.
Ang United Kingdom na ang pang-pito sa mga bansa na may pinakamaraming kaso matapos na maungusan ang datos ng Argentina.
Habang ang Italy ay nakapasok muli sa top 10 na mga bansang may pinakamaraming kaso matapos maungusan ang datos ng Mexico.
Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:
USA – 11,363,426
India – 8,845,617
Brazil – 5,863,093
France – 1,981,827
Russia – 1,925,825
Spain – 1,492,608
UK – 1,369,318
Argentina – 1,310,491
Colombia – 1,198,746
Italy – 1,178,529