COVID-19 serology testing centers sa Maynila balik-operasyon

Inquirer photo

Muling binuksan ang lahat ng drive-thru at walk-in COVID-19 serology testing centers sa Lungsod ng Maynila simula ngayong araw, Nov. 16 matapos isara ang mga ito dahil sa pananalasa ng Bagyong Ulysses.

Maari na muling ma-access ng publiko ang sumusunod na Walk-in Testing Centers:

—Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center
—Ospital ng Tondo
—Justice Jose Abad Santos General Hospital
—Ospital ng Sampaloc
—Ospital ng Maynila

Bukas na din ang Drive-Thru Testing Center sa Quirino Grandstand.

Samantala, tuluy-tuloy din ang paglulunsad ng libreng swab testing ng Lungsod ng Maynila para sa mga market vendors, hotel employees, mall workers at public transport drivers.

 

 

 

Read more...