Lokal na pamahalaan ng Maynila magbibigay ng P2M tulong sa Cagayan

Magkakaloob ng P2 milyon cash ang City Government ng Maynila sa lalawigan ng Cagayan.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, nakausap na niya si Cagayan Governor Manuel Mamba para maipaabot ang P2 million na tulong.

Pandagdag ito ayon kay Moreno sa relief operation ng provincial government para sa mga nasalanta ng pagbaha sa Cagayan.

Sinabi din ni Moreno na mayroon nang fund raising efforts ang Manila City Council sa pamumuno ni Vice Mayor Honey Lacuna Pangan para sa mga taga-Cagayan Valley.

 

 

 

 

 

Read more...