Kaso ng COVID-19 sa India mahigit 8.8 million na

Umabot na sa lagpas 8.8 million ang kaso ng COVID-19 sa India.

Sa magdamag ay nadagdagan pa ng mahigit 30,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa India.

Dahil dito, umabot na sa 8,845,617 ang kabuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Mahigit 8.2 million na ang gumaling sa COVID-19 sa India at mayroong mahigit 467,000 pang active cases.

Samantala, mayroong naitalang dagdag na mahigit 400 na pumanaw sa India dahil sa COVID-19.

Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 130,109 na.

 

 

 

Read more...