Naitala ng PHIVOLCS ang pagyanig sa layong 29 kilometers northwest ng bayan ng San Agustin alas 6:37 ng umaga ngayong Lunes, Nov. 16.
May lalim na 33 kilometers ang lindol at tectonic ang origin nito.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity V- City of Bislig, Surigao del Sur; Rosario, Agusan del Sur
Intensity IV- Cagwait, City of Tandag, Bayabas, Surigao Del Sur
Intensity III- Cagayan de Oro City; Tagaloan, Villanueva, Balingasag, Misamis Oriental
Intensity II- El Salvador City, Initao, Luagit, Manticao, Misamis Oriental; Virac, Catanduanes
Intenisty I- Iligan City
Ayon sa Phivolcs, maaring makapagtala ng aftershocks bunsod ng pagyanig.
Maari ding nagdulot ng pinsala ang naturang lindol.