Kaso ng COVID-19 sa US nadagdagan ng mahigit 120,000 pa

Umabot na sa lagpas 11.3 million ang kaso ng COVID-19 sa Estados Unidos.

Sa magdamag ay nadagdagan pa ng mahigit 120,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa US.

Dahil dito, umabot na sa 11,348,205 ang kabuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Mahigit 6.9 million na ang gumaling sa COVID-19 sa US at mayroon pa itong mahigit 4.1 million pang active cases.

Samantala, mayroong naitalang dagdag na mahigit 500 na pumanaw sa US dahil sa COVID-19.

Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 351,783 na.

 

 

 

Read more...