Quezon uulanin sa susunod na mga oras

Makararanas ng pag-ulan sa susunod na mga oras sa lalawigan ng Quezon.

Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA, alas 5:45 ng umaga ngayong Lunes, Nov. 16, katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa lalawigan.

Pinapayuhan ang mga residente na nakatira sa mabababang lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha.

Inabisuhan din silang mag-antabay sa susunod na abiso ng PAGASA.

 

 

 

 

Read more...