Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 10,806

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (Sabado, November 14), nadagdagan ng 56 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 10,806.

Sa nasabing bilang 597 ang active cases.

Ang bilang naman ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ay 412 kung saan nakapagtala ng 2 bagong nasawi.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 11,815 na.

Excerpt:

Read more...