Bilang ng mga nakarecover sa COVID-19 sa Navotas 5,003 na

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling sa coronavirus disease o COVID-19 sa Navotas.

Base sa huling datos ng lungsod (alas-6 ng gabi ng Linggo, November 165), nasa 5,003 na ang nakarecover sa COVID-19 kung saan 4 ang nadagdag.

Wala namang naitalang bagong nasawi sa lungsod kaya ang bilang ng COVID-19 related deaths ay nasa 154 pa rin.

Ang bilang naman ng active cases ay 37na lamang kung saan walang nadagdag.

Sa kabuuan umabot na sa 5,194 ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Patuloy na paalala ng pamahalaang lungsod ng Navotas na panatilihin ang pagsunod sa mga safety measures para maiwasan ang pagdami pa ng kaso.

Read more...