Tumamang lindol sa Masbate, itinaas sa magnitude 5

Tumama ang magnitude 5 na lindol sa Masbate, Linggo ng hapon.

Sa earthquake information no. 2 ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 18 kilometers Southeast ng Pio V. Corpuz bandang 2:35 ng hapon.

18 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Bunsod nito, naitala ang mga sumusunod na intensities sa mga kalapit na bayan:
Intensity IV – Pio V. Corpuz and Cataingan, Masbate; Almagro and Tagapul-an, Samar;
Naval, Maripipi, Kawayan, Almeria, Biliran; Calubian, Leyte; Medellin, Cebu
Intensity III – Villaba and Tabango Leyte; Calbayog City and Catbalogan City, Samar
Intensity II – Tacloban City; Palo, Carigara and Jaro, Leyte; Irosin, Sorsogon
Intensity I – Liloan, Cebu; Mandaue City; Cebu City; Lapu-Lapu City

Instrumental Intensities:
Intensity IV – Naval,Biliran
Intensity III – Catbalogan City, Samar
Intensity II – Ormoc City; Palo, Leyte
Intensity I – Talibon, Bohol; Lapu-Lapu City; Bago City

Wala namang napaulat na pinsala.

Ngunit sinabi ng Phivolcs na posibleng makaramdam ng aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...