BREAKING: Mga gumaling sa COVID-19 sa Pilipinas, pumalo na sa 374,329

Mahigit 1,000 ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Linggo (November 15), umabot na sa 407,838 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 25,677 o 6.3 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 1,530 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

82.5 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.4 porsyento ang asymptomatic; 3.2 porsyento ang severe habang 5.6 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 41 muli ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 7,832 o 1.92 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 11,290 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 374,329 o 91.8 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...