DOST Advisory ang sinusunod ng Malacanang

student no classesIpinaliwanag ng Palasyo ng Malacanang na hindi sila basta- basta maaaring magsuspinde ng trabaho o klase sa National Capital Region o NCR.

Ang paliwanag ay ginawa ni Presidential Adviser Edwin Lacierda matapos na batikusin ang huling deklarasyon ng suspensiyon ng klase at trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan sa Metro Manila noong Lunes.

Ayon kay Lacierda, umaasa sila palagi sa mga siyentipiko at weather forecaster ng Department of Science and Technology o DOST para sa rekomendasyon kung dapat magsuspinde o hindi.

Ayon sa DOST, hindi nila inererekomenda kanina ang suspensyon ng trabaho at klase sa lahat ng antas dahil inaasahan nilang gaganda ang panahon ngayong araw sa kabila ng mga nararanasang thunderstorms at malakas na pag-ulan./Alvin Barcelona

Read more...