Walang bagong Filipino abroad na nagpositibo sa COVID-19 – DFA

Walang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang November 15, nasa 11,522 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 82 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 3,231 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Wala ring bagong gumaling kung kaya 7,461 pa rin ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Wala muling bagong napaulat na nasawi.

Dahil dito, 830 pa rin ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,518 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 1,309 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 829 naman ang kaso sa Americas at 1,866 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...